Windows 8

Thursday, September 15, 2011

windows 8 beta is on the web already, i downloaded it yesterday evening to have a review but suddenly, i encountered an error. buong araw ko inayos ang computer ko. hirap pa kong magdesisyon dahil di ko naback-up ung iba kong files. papalit palit ng drive, disable ung SATA. tsk. kaloka.


sumakit nga mata ko e. dami ko pang ininstall! 
nawala na ung sims 2 ksamang naglaho ang dream house, ung pool ko sa likod ng bahay. alaala nalang ang lahat, nakakadrama naman.. tsk


nakakahinayang, di ko man lang napicturan ung design ng bahay. pero hayaan na natin. ang hirap lang isipin na sinakripisyo ko halos lahat ng files ko kapalit ang bagay na wala naman pa akong kasiguraduhan.


minsan kase ganun ang tao, nagsasakripisyo ng mga bagay na importante sa isang kagustuhang walang kasiguraduhan. ano pa nga bang magagawa mo kung huli na ang lahat.


anyway! mabalik tayo sa title.
maganda ang Windows 8, excited na nga akong makita at gamitin kapag out na sa market e. at sana ma-upgrade ko na ang PC ko nun.. hmm..
napahanga ako sa idea ng PICTURE PASSWORD! anu ba ang picture password?
simple lang. kung may account ka sa PC mo at ito'y may password. malamang sa alamang nasanay ka ng makita ung itim na bilog sa tuwing tinatype mo ung password mo.. ang picture password naman ay ganito:




imagine nalang ito yung password object, para ma-access mo yung account ko, nilagyan ko to ng password.. at ang password nya ay:


1.) click mo yung SUN.
2.) click mo yung OVERFLOW
3.) magdrawing ka ng malaking X sa katawan ko.
at makakapasok ka na sa account ko. ang galing no? bravo!


pero habang pinapanood ko yung demo, narealize ko na na eenhanced na ang madaming bagay, papayag ba tayong mahuli ang pag-SPREAD ng WORD?
hmm. hindi madali, hindi ba?
pero lahat ay nagsimula sa pagiging baby at walang alam. kumbaga sa GUNBOUND ay CHICK, sa RAGNAROK ay NOVICE at sa DOTA ay lvl1.
anjan naman si Lord eh. di nia tayo pababayaan lalu na't para sa kanya 'yung gagawin natin. :)


Live
Love
Forgive
Never Give up

I am God's Original Masterpiece
I am God's workmanship

iBLoG
i Believe, Love and Obey God.
Jabes belongs to Jesus. :)



*status update: i am currently null*


You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers