Bataan Summer Getaway!

Saturday, April 28, 2012

April 20-21.



After DVBS, we went to the van and then, our journey starts there. 
4 hours of travel. its not a very tiring journey with our talks to the driver and to aries which is beside me. plus ang pang-aalaska ni Hannah Joy Pama sa likod at hindi ko magantihan.


sobrang haba ng lakbayin pero thank God for the safe trip, 
O Lord, our Lord, how majestic is your name in all the earth! - Psalm 8:9
nakakita ng magagandang tanawin, creation of our almighty God. no one really compares to His works, to His wonders and to HIM!
marami ding trivia mula kay manong driver.


dumaan din kame sa zigzag road at paikot-ikot paakyat ng bundok. ang sarap titigan ng tanawin.pagkatapos ng mahaba-habang byahe, sa wakas nakarating nadin sa lugar. sa PAWIKAN CONSERVATION CENTER, nagbalayong, morong bataan.
at syempre may pawikan silang inaalagaan.


kahit mejo madilim na, nagpunta kmeng tabing dagat para matingnan ang paligid pati ang sunset. :)

then, we went back to our really cold rooms to fix our things and then we went back to the beach to stargaze and play guitar. ang emo lang tingnan nung mga stars, ang dami ang kinang. tapos may gusto akong obserbahan, kaso wag nlng. 
habang nag-gigitara si jasmin at nakanta si joy, naghahanap naman ang iba ng pang-gatong para sa BONFIRE! nakakuha naman kame. ang init. pero masaya. marami din kameng nakanta sa iisang key lang. galing ni jas e. singer pa katabi ko, tpos feeling ko maganda boses ko sa pagssecond voice ko. hahaha! 


maya-maya, pinabilog kame ng aming mga teachers para sa worship. after namin magworship sandali, naglaro na kme ng truth or consequence, kung sino may hawak ng peanut sa pagtigil ng tugtog ng gitara. umikot. nagtawanan KASIYAHAN! madaya pa nga yung iba e. kakatuwa lang mga tanung nung bata. havey e. XD




medyo, gabi na din kaya umakyat na kame. pero ung mga kkb gusto pang mag-star gazing at tumambay. nagkubo nlng kame kase sinarado na ang gate sa beach.. at matapos ang ilang minuto. natulog na din sa pagkalamig-lamig na kwarto. hiwalay nga pla ang boys sa girls maliban lang sa mga bata. :)


kinabukasan, nagising ako ng 4:30, paglabas ko, walang tao at madilim pa. yoko sana pumasok ulet kse ang lamig sa loob ng kwarto. pero nakatulog naman ulit ako.. nagising-gising, maya't maya. hanggang sa nagpunta na kong beach kase maliwanag na..
thats my footprints.  XD

 then kumaen na kame, champorado + tuyo + eggs. 
 at nagbanka na kame. :)
lifevest mode. exciting pero mejo kabado. di marunong lumangoy e.


look at that. haha! gandaa.
at pagdating namin sa kabilang isla. nagpictorial kame at nagexplore. okay na ngang di kame magswimming e. :D



at nakakita ng isang short-cut patungo sa kabilang beach. hahaha! explorer mode kame.
habang naglalakad, pinag-uusapan namen yung WRONG TURN. may kumausap kse saming lalake tapos maya-maya nawala. 
papunta dun sa batong parang whale ay sobrang mahirap. adventure.. madulas, matusok at palalim. ako, nanguna. taga announce ako pag madulas o kung anoman.
ayun kme, di kame nakapagdala ng camera dun kase baka mabasa.  pero ang sarap tumambay dun. 
eto na yung pabalik kame. :)

sarap lang sumigaw. :D
pinuntahan kaagad namen yung mga elders para pumunta dito. hahaha! katuwa. binalikan namen to na may lifevest at camera kaso overtime na daw. sobrang sayang.
kaya, naglaro nlng kame, nagpafloat. XD
at bumalik na kme sa isla kung san kame galing. haha! maka-isla e nu?. XD
ang saya lang sa bangka. halos kalahating dangkal nlng mula sa tubig, lulubog na kme. haha! katuwa kase sapul kme lage ni ate shiela sa mukha ng tubig. 

KKB EXTREME! by Jas and inda and cath? xD









  
hahaha! adiks lang. XD
habang ginagawa nila yan, nagpupunta naman ako sa malalim para magpractice lumangoy, di kase ako marunong. tahimik kong pinapanood yung mga nalangoy paligid ko. at ginagaya sila. haha! at kahit papano, nagagwa ko. diko lang alam kung tama. di kame masyadong nagbabad sa tubig. pero naglaro din kame. nagadventure sa dagat at nag-abang ng huge waves. at nagready na kame para umalis, may pupuntahan pa kse kame. 


 dun sa may CROSS na malaki, nakakaloka yung byahe. zigzag. at naligaw pa kame.
eto nagpictorial ulet. di kme nakaakyat sa cross kase closing na.







nung pauwi na kame, katabi ko na yung ibang kkb. kakatuwa, asaran, lokohan, kainan. kasiyahan. haha! :)


Live
Love
Forgive
Never Give Up
eto na so called Music Video namin. :)
iBloG
i Believe, Love and Obey GOD
Jabes is God's Original Masterpiece

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers