Cassette Tape

Tuesday, April 17, 2012

sometimes it only takes few second of talks, few seconds of gaze and few seconds of excitement to make your day complete.


Wednesday, 1pm. JIL Norfil.
nandun ako sa church. nagpolo ako kase may i-mmeet akong kaibigan.
iniisip ko na kung pano ko sya i-aapproach, mahina pa naman ako dun, lalo na kung babae.
habang bisi-bisihan kame sa pag-gawa ng organizational chart, nagtext sya bigla sabe nia kung pwede daw na ngayon nia na ko immeet kase napaaga daw ang uwi nia.


btw magmmeet pla kame dahil sa isang kanta.



bata man ako
ang nais kong ipadama
sayo o Diyos ang aking pagpupuri't pg samba.
Sa aking paglaki
ay sisikapin kong
lakaran ang landas na sa aki'y kalooban mo

bata man ako ngunit aking ihahayag
na ikaw Hesus ang kaibigan ko at ng lahat,
bata man ako ngunit sa puso
ko'y ganap
na umiibig sayo
tapat mong alagad

~ if you know this song, your CHILDHOOD is AWESOME! :)
hiniram nia yung cassette tape ko nun, wala kse yan sa internet, yung original, ituturo daw nia kase sa Sunday School sa church nila.

agad agad. nagpunta ako sa Ministop dun kse ang napagusapan namin. pero dapat sa McDo eh. nagising nga ako nung umagang yun na excited dahil dun.


sya nga pala yung nasa post kong GET BACK at VALENTINES NIGHT 2008.


nung sinabi nyang nandun na sya. agad agad akong nagpaalam at sinabi sa mga kasama ko na babalik kaagad ako! inasar pa nila ako.at napangiti na lang, hindi ko naman kase alam yung sasabihin ko. habang nagmamadali akong maglakad papuntang ministop, naglalaro na sa isip ko yung mga pwedeng mangyare. assuming no. feeling ako e bakit ba?. 


nung nandun na ko sa kalagitnaan, bigla naman akong kinabahan.. di ko na alam yung sasabihin ko, tska ano ba? ba't ba ko nagkakaganito? JABES! simple lang naman ang gagawin mo, iabot mo lang yung tape tapos yun na. 


nandun na ko sa tapat ng ministop. yayayin ko ba syang kumaen? iinterviewhin ko ba sya? nagkakagulo na sa isip ko. pero nandito na ko sa pinto ng ministop kailangan simple at parang walang iniisip para di naman halata yung nararamdaman ko.. 


ready na ko. bahala naa.


pagpasok ko, akala ko sya ung nakaupo at nakatalikod sakin, pero ba't parang wala naman syang hinihintay. tapos pagharap ko sa counter, andun sya. kay ganda ng ngiti. ang sarap lang pagmasdan. at ayan na, papalapit sa akin dadala yung pamatay niang ngiti, kumaway sya kahit malapit lang kme sa isa't isa. weird no?. e kumaway din naman ako. hahaha..


bigla syang nagsalita:


"Hello"
"ui, eto oh. di ko pa natingnan kung ayos pa, nasira kse yung cassette namin."
"okay lang. salamat ha."
"san kba galing?"
"nag-aapply, akala ko kase hanggang hapon pa, sandali lang pla"
"so okay na? tanggap kna?"


:)


"san nga pla yung church mo?"
"ah dito lang sa putatan"
"malapit lang?"
"oo jan lang."
"anung ginagawa nio dun?"
"e inaayos kase namin yung org chart ng church.."
"ahh."
"ai. oo nga pla sensya na ha di ako nakapunta nung concert nio"
"wala yun, ok lang yun, ano kba.."
"so pano? haha."
"gusto mong chills?"
"hindi sige wag na, eto naman"
"sigurado ka?"
"babalik nadin ako e. sige."
"salamat talaga ha."
"wala yun."
"thank you talaga."


sabay magKKB handshake sana kame. 
pero naalala ko, hindi pala sya KKB. naghandshake nlng kame. buti nlng nakisama tong kamay kong pasmado.


ewan ba, epekto ba to ng pagkakabasa ko ng isang story sa wattpad? ang-GAY lang.. haha! paki nio ba?.  ang ganda nia.. ba't kase ganun? nung papaalis na ko. baon ko na yung ngiti nia.. bigla akong sumigla. nahawakan ko pa yung kamay nia. hai.. :))


paulit ulit lang sa isip ko yung mga sinabi nia. masaya kong iniisip dahil sa tape na yun. nagkita ulit kame.. ang sarap maglakad, kahit ang init, kahit mag-isa lang ako..
in lababo ba ko? siguro crush lang, pero matagal na naman yun. pero sana.. mangyare ulit to. di naman din ako naasa. ching! may pagASA factor pa kong malalaman. pero sa totoo lang di naman talaga ako expressive sa feelings ko. 


pagbalik kong church, hinihintay ko yung text nia.. 
at maya-maya.. dumating na. sabi nia ibabalik nlng daw nia sa katapusan!
so it means.. 


:)


and then 




i was like:




Live
Love
Forgive
Never Give Up






iBLoG
i Believe Love and Obey GOD.
Jabes, God's Original Masterpiece

You Might Also Like

19 comments

Google+ Badge

Followers