ako nga pala

Tuesday, May 01, 2012

SATURDAY. April 28.


ako nga pala si Jabes, isang bagay ang pinaniniwalaan ko sa ngayon, ginawa ako for something much more than me today. alam ko may mangyayare at mangyayare pa sa buhay ko. mahirap man tahakin ang mga bundok ng pag-subok, kakayanin SIR! ewan ko ba pero parang di ko kaya yung mga pagbabato sakin ng mundo, di ba nga overcome evil with good, pagbinato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. kaya naman sa pagpapatuloy ko, sinusubukan ko at napag-alaman ko na di ko pala kaya.. di ko pala kayang sumuko.. ang sarap matuto e, masarap din umiyak kase alam kong meron akong iiyakan.


malungkot man ang kantang pinakikinggan, masayang ala-ala pa din ang nakikita ko. parang ending lang ng teleserye e. may gusto lang akong ipagkalandakan. nakakalungkot kaseng isipin na sa panahon ngayon maraming tao ang naiinlove dahil sa physical appearance lang. well, sabi nga nung iba additional points nalang daw yun sa pag-ibig. correction! naiinlove mula sa physical appearance tapos tska na papasok yung pagkainlove sa pagkatao nung opposite sex. 


ewan ko. bakit ba kase ako affected masyado? haha! kagabi kase bigla nalang yan pumasok sa isip ko. naliligo ako nun. (which is pang-5 na ligo ko na that day. ang init kaya..) pagkatapos kong maligo, nagbihis kaagad ako at umakyad sa kama.. kinuha yung notebook at naghanap ng ballpen. matagal-tagal na din akong di nakakapagsulat ng thoughts. hmm. kaya nung nagsusulat na ko, parang nawawala yung mga nasa-isipan ko lahat habang sinasalin ko sa papel yung bawat kaisipang nabubuo. 


ang gulo ko no? nagets nio ba? nakakamiss din palang magtype ng biglaan, yung ang dami mong gustong sabihin pero di mo alam uunahin mo kaya tuloy-tuloy lang ang pag-ttype. ang dami din kaseng nangyare netong mga nakaraang araw. 


well, ganito talaga pag-walang maka-usap kundi papel ang kaharap, computer naman. ganun naman talaga e. pag-sakin lang pla. mabalik nga ako sa topic. minsan kase naaawa ako dun sa mga good-looking na tulad ko este di pala ko good-looking. ganun talaga kailangan may pa-humble effect. Joks. so ayun nga. naaawa ako sa kanila kase in the first place nagkakagusto sa kanila ang tao dahil sa appearance nila. hindi dahil sa kanila. hindi naman sa pag-jjudge pero come think of it. prove me i'm wrong.. hahaha! pero pag-niprove mong mali ako. don't be so harsh. please. I'm willing to be justified. :)


iilan na lang siguro yung naiinlove sa totoong IKAW tpos totoong bonus na lang yung appearance.
pero totoo. kailangan din naman nating mag-ayos physically para hindi naman unpleasant tingnan at di mukhang gusgusin. teka, teka. ano ba tong gusto kong sabihin? ano ba tong gusto kong palabasin?
ahh. ewan. teka maliban sakin, may nagbabasa pa ba netong blog ko? 


mejo naguguluhan kase ako ngayon. kaso lagi namang ganun. wala naman talagang nakakaalam ng totoo kong nararamdaman. siguro may iilan pero hindi yung full details. may interesado ba kase? minsan kase pagnagkkwento ako tapos hindi naman sila interesado, hindi ko na itutuloy at ililigaw ko na lang sila sa topic hanggang sa makalimutan nila.


hahaha. andrama ko ba? ang corny ko ba? ah. ewan. :D



Live
Love
Forgive
Never Give Up




iBLoG
i Believe Love and Obey GOD.
Jabes is God's Original Masterpiece

You Might Also Like

2 comments

Google+ Badge

Followers