VDM Reunited.. wait.. 1, 2, 3, 4 and some stanger?

Thursday, May 17, 2012

Sunday Afternoon, around 3pm




after being in the church, i said my 'goodbye' to my kkb pals. of course hurried ako. kase 12nn ang napag-usapan pero nagpaalam naman ako kaya tingin ko okay lang. pero sa natitirang load sa phone ko. nagtext ako kay McLean. confirmed na nandun na sya pero mag-isa lang daw siya. kaya napamadali ako. namimiss ko na kase tong taong 'to e. teka, tao nga ba 'to?. haha! pagdating ko sa paboritong meeting place namen nakita ko sya na nakatalikod, mejo kakaiba lang ngayon kesa sa nakasanayan kong itchura ng likod nia. ang TABA nia kase. hahaha!


nakangiti kaagad ako nung pag-upo ko. grabe yung tinaba nia. hahaha! syempre nag-usap kame, nagkamustahan.. ayun. eto yung isa sa mga totoong kaibigan ko e. "you know! si daddy!" haha! expression namen yan. natutuwa lang ako sa kanya kase sya ngayon ang pinagtatanungan ko about DSLRs. photographer kase sya sa bulacan, ayan na din yung dahilan kung bakit sya tumaba. nabanggit ko sa kanya yung gusto kong DSLR, sbe ko yung Canon EOS 5D, sbe nia yung mark ii? mahal yun. tinawanan nia ko. haha! anyway, mahal talaga yun around 100k yun sa pagkakaalam ko. XD


after namen magkwentuhan sa foodcourt, nag-ikot muna kame habang hinihintay si ehloi. tapos inaalala yung mga memories namen sa ACLC.. ang saya lang at nakakamiss. tapos tumayo na kame para salubungin si ehloi. sa di inaaasahang pagkakataon, nandun din si anne kasama yung kaibigan nia, magsisimba daw muna sila. so hinintay namen sila bago kumaen. well, nagMcDo na kame. desserts lang naman.


sa pagdating ni anne at ni anna may (yung friend ni anne) nag-kantahan na sa videoke, pero sila lang. alam nio naman ako, nang-aasar lang ako at nakikipagkulitan.. kakatuwa lang si anna may, feeling ko kase ma-oop sya, tapos everytime na nagkakatinginan kame paulit-ulit syang nag-wwave ng kamay tapos sabay sasabihing "Hi". ako naman, "okay? anung meron?" pero sa isip ko lang, pero yung mata ko nanlalaki tapos titingin bigla sa kaliwa't kanan. nagsumbong nga sya kay anne, kung makatingin daw ako. tapos si anne naman pinagttripan ko. nagstay na lang din ako sa llob ng videoke room habang nag-hihintay ng kakantahin.


pagkatapos nun, may nadiskubre kameng game na parang sira kase di maubos yung credits, so laro lang kame ng laro. maya-maya iniwan na namen, nakakaapgod daw at nakakasawa.nagpunta na kame ni McLean sa Greenwich at sila Ehloi sa Savemore. Pizza at coke lang ang dinner. sobrang tawanan at kwentuhan lang. tapos yung kaibigan ni anne parang si Angel. parang sya kase sya. nakakatuwa lang at heto pa. nahampas pa ko kase tinawag ko syang Angel. kala ko nga galit nung tumingin e. katakot. pero masaya. naglakad kame hanggang terminal, gabi na nun. hinihintay na nga namen magsara yung mall bago kame umalis e.


nung nagbbye na kame sa isa't isa. nakusap ko si ehloi. tawanan nung simula tapos may naopen sya, sbe nia kung nakwento na nia ba saken? sabe ko alen? "may tumor si ate sa utak." di naman pansin yung lungkot nia nung araw na yun pero hanga ako sa kanya. 


di naman kame close nung ate nia pero ramdam ko kung lungkot. sympathy kumbaga. napatigil ako at walang nasabe. nakakalungkot lang.
di ko man lang nai-share yung kayang gawin ni Lord. 

Live
Love
Forgive
Never Give Up



iBLoG
i Believe Love and Obey GOD.
Jabes is God's Original Masterpiece

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers