One Last Day before the Anniversary!

Sunday, October 07, 2012

That one last day before the jil34 Is our last rehearsal for the anniversary. 
This time,  sa luneta na, and mas marami na din kame at may mga bagong sasayawin,  ngayon lang kase nafinalize yung line up.  




New steps,  new formation,  new excitement. 
Dun kame sa harap,  napakalaking field,  sakto sa formation. 
While we're waiting for the next instruction,  napahiwalay samen si jas,  dun sya sa pinakaharap habang andun naman kame nila joy sa likod.  Napaupo kame sa kadahilanang nangangalay na kame, nanood muna kame dun sa mga nagppractice sa stage. Ang galing,  may namuong luha sa mata ko habang pinapanood sila,  ayun din yung nagpadagdag ng excitement sken. 

Mayamaya tinawag namin si jas,  para lumipat nlng din,  wala kase syang kasama dun, sila mane at angelica,  at mj,  ronnel at karl naman dun sa kabila,  magkalapit lang naman din.  
Nagkwentuhan at chikahan din habang nagaabang. At dumating na nga,  ang pagsasayaw,  nakakaenjoy, sabaysabay kaseng kumakanta at nagsasayaw at nagbibilang ang mga dancers.  Nahihiya nga ako sa mga nasa likod ko eh.  andami ko kaseng maling step. 



after ilang oras,  break daw muna,  so nagpahinga kame dun sa mismong pwesto na pinagsasayawan namin,  kinausap kame ni kuya jaime,  may pagkain nga daw kase. So diretchong bleachers kame for foods. Nagreet din namin si kuya mike.

nagmeeting kame after dinner, about call time and some concerns at finally nalaman na namin kung saan yung chairs ippwesto.  So andaming changes,  unexpected changes,  from 4-5lines,  naging 2 lines na lang.  Nakakalungkot,  pero what i saw is how kuya jaime respond to that,  i love the attitude.  I salute him. 

Hindi na namin magagawa yung formation na nagbubuo ng word na JIL,  GOD,  JESUS IS LORD.  sayang,  pero okay lang din.  Hindi naman titingin Si Lord sa ganda ng sayaw eh,  sa puso, dun Sya natingin.  

nagdismiss na around 10:30pm,  late na.  May injury pa si angelica,  di naman malala.  Sa bus pauwi,  halos parehas lang pwesto namin nung nakaraan pero hindi ganung kaingay,  spell pagod. haha.  Pero gusto ko pa din makipagkulitan, dinaldal ko na lang yung katabi ko habang nagtitingin ng pictures sa tablet. 


Live
Love
Forgive
Never Give Up

sebajisoka @ Galvanized into ACTION

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers