The Aquino Cousin's 11.01.12 Adventures

Thursday, November 01, 2012

At kahit na all saint's day e nagpunta kami sa puntod ng aming mahal sa buhay na pumanaw na. Matagal tagal na din kase yung huling bisita namin, pero sa pagbisita namin ngayon mejo iba kase 4 lang kameng magpipinsan ang nagpunta. Dati kasama namin mga magulang namin tska sina tito, at madaming pagkaen nun.

Puntod lang naman ng lolo at lola ko yung bibsitahin ko, mahirap na kase baka sila ang bumisita sakin. Pero sila kase ang pinakamalapit saking grandparent, sila pinakaclose ko. Anu ba yan namimiss ko sila bigla.
Kung di nio naitatanong e ang lolo ko at ang lolo ng tatay ko ay pulitiko. Kaya't kilalang kilala sila dito samin. Kumbaga may lahi din akong pulitiko, pati nga mga pinsan at ilang kamaganakan namin dito e pinagpatuloy yung mga nasimulan ng mga magulang nila.
Teka, di pala lahing pulitiko, lahing nais magsilbi sa bayan. Naks.

Isa sa mga alaala sa kanila maliban lang sa takbuhan ko pagdi ako binigyan nila mama ng pera noon at ang pamasko nila samin e yung pagsisimba namin sa church nila dito sa bayanan. Bond Family of God yung name ng church kung di ako nagkakamali. Nakakatuwa nga yung pastor nila pero baka sa ibang post ko na lang ikwento. Tapos bibili ng otap after ng service.
Pati yung may crush saking batabg babae dun, haha. Kapal ko ba?. e pano laging nasa harap namin tapos laging nakalingon tas ngingitian ako, nakakailang kaya. Tska sa mura kong edad alam kong may ibig sabihin yung mga kinikilos nyang yun. Although diko pa alam yung crush crush na yun. Bigla ko nlang kaseng narealize nung nalaman kong magkalapit bahay lang pala kame. At maganda na sya. Pero diko sya crush. Maganda lang. :)


Nung pumanaw ang lola ko dahil sa cancer, nakakalungkot. High school ako nun at usong uso yung narda. Uuwi nalang ako ng bahay na maraming tao. Amazing grace, ayan yung huling kanta kong narinig bago sya nilibing.
Ang lolo ko naman, ganun din yung sakit, may oxygen tank nga kame at nebulizer tapos kame ni israel yung nagalagay ng gamot. Sa kanya ko nalaman yung atay pala e masarap pagprito.
Hands down ako sa kanila. Kaya mahal na mahal ko yun e. Sayang at di namin sila nakasama ng matagal tagal pa. RIP. I Know and believe na masaya sila sa piling ni Lord.

So mabalik tayo sa adventure kuno naming magpipinsan. Kasama ko si israel, jason at marvin. Walk mode hanggang soldier's hills. Nagexplore ng shortcuts at sumalubong sa sandamukal na tao.  Ang pinakafail sa lahat ay yung mga plano naming food trip at paglalaro ng kanila dahil sa nakalock yung gate. Hahaha. Isa lang ibig sabihin nun.. umuwi at bumalik bukas.

To be continued


Live
Love
Forgive
Never Give Up

//sebajisoka

Published with Blogger-droid v2.0.9

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers