Siguro

Tuesday, February 19, 2013

Gusto ko sanang sabihin sa'yo pero paano kapag naririyan ka'y nauutal ako?


May sasabihin ako! kaya't makinig mabuti, ilaan ang atensyon sa bawat salitang mababasa at namnamin ang bawat emosyon na makikita.

sa bawat minutong lumilipas. may isang pasabog ang damdamin. 
merong pakiramdam na napakasaya. damdaming alam ng marami ngunit bago sakin.
paalala, hindi ito tula o kung ano pa man.
subalit sa twing na sasaakin ang pakiramdam na iyon, parang gusto ko na ding gawin ng kakaibang mga tula.

ayan na naman, naririnig mo ba?

minsan naiisip ko, ba't ang bitter ko?
sa twing makakakita ako sa kalsada ng random na magkasintahan eh bumulong ako ng "magbbreak din kayo" at masyado pa kong aware sa mga PDuh (or PDA - Public Display of Attention! oo Attention!)

palagi ko man nababanggit na hindi pa ko pumasok sa isang relasyon na tinatawag na magboyfriend and girlfriend at mejo proud ako kase maiisip ng iba na masyado akong reserved or something like that but if tumingin ako sa other side.
di kaya ang pressure ay nasa mga babae? sila kase ang sasagot ng napakatamis na "oo".
may mga babae kaseng kahit mahal na nila yung lalake, di nila sinasagot sa ilang kadahilanan.
tulad ng hindi pa sila handa, strict ang parents, traumatic experience o maaga pa daw for that kind of relationships.

on my side, di ako nanliligaw. torpe kumbaga, lilipas at lilipas nalang din.
although obvious ako minsan, kahit anong pilit mo.
mananatili ka lang sa pagpilit at mapapagod 
madalas ko ring pinaglalaruan ang sagot ko para lang makaiwas.

tulad din ng nabanggit ko dati sa ilan kong mga kaibigan
mas lalo akong na-eexcite pag-iniisip ko kung sino yung itinakda ni Lord para sakin.
ayun na nga lang yung kasiyahan ko ngayon. si Lord at ang mga mabubuting kaibigan at pamilya na ineregalo Nya sakin nung pasko pati nung birthday ko.

ang sarap kayang umibig. ang di mag-agree. may poopoo sa ilong. eeew! 


siguro, magiging maganda at okay ang lahat kung matututo lang tayong mag-hintay.

//sebajisoka

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers