'Di ka okay!

Tuesday, April 09, 2013

tulala
di makausap
walang imik..

kararating ko lang ng bahay..

Bago ako kumaen
bago ako magbihis ng pambahay
uupo muna 'ko sa aking trono
paglalaruan ang mga salitang lumalabas sa 'king isipan
bubuksan ang listahan ng mga kanta 
at magpapatugtog ng paboritong musika
na tumutugma sa nararamdaman ko ngayon.

parang buong araw na rin akong nag-iisip
kaya siguro pagod na pagod rin ako.
nakipagtalo, halos nakipag-away. di ko alam ung tama pa ba ko.
minsan naiisip ko, wala na ba 'kong ginawang tama?

puro maling disisyon, maling galaw
maling kilos, maling gawi

tapos nag-usap kame.
ilang bagay na di naman malaking bagay pero lumaki.
nakatanggap ako ng iba't ibang mensahe at kaisipan
binara, nabara, nambara.
ano pa kayang silbi nito?

nakakaoffend, nakakaasar.
di dahil mali ang sinasabi sakin.
ngunit dahil sa tumpak na punto ng paghayag ng saloobin
naaasar sa sarili.

ilang ulit din ang pagtatanong
ang pagtaas ng boses
ang kunot ng noo
ang pagtahimik
nakanganga na para bang mag-isa lang kame sa isang kwarto

ilang oras na lang at matatapos na ang araw.
may mga tao talagang ang lakas mag-paiyak
o sadyang ako lang ang napapaiyak?

mahirap man dalhin
pinanindigan ko na rin
di ko nadepensahan ang sarili ko e
pero mahalaga pa ba yun?

bigla nalang nya ko kinausap
binasag nya ang katahimikan
inalok ng pag-kain
kinulit at kinuwentuhan
na para bang walang nangyare

ilang minuto nalang ang nalalabi
inabot nya ang kanyang kamay
tinitigan ako sa mata
mata sa mata
ilang segundo rin yun
nakita nya kaya ang namumuong luha sa'king mga mata?

ako, nakikita ko na totoo ang kanyang paglapit
ngunit sa pagabot ko ng aking kamay
tska naman ibinaba ang kanya
nanghinayang, gusto ko na lang sana syang yakapin

okay naman sya, pero ako? 
bakit ganito?
di ko masabi yung sa part ko?
pero tulad nga ng sabi ko
importante pa ba yun?

naghiwalay na lang kame ng di ko sya nakausap ng maayos
"Di ka Okay." sabe ng isa kong kaibigan.



tulala
di makausap
walang imik..


kararating ko lang ng bahay..

Bago ako kumaen
bago ako magbihis ng pambahay
uupo muna 'ko sa aking trono
paglalaruan ang mga salitang lumalabas sa 'king isipan
bubuksan ang listahan ng mga kanta 
at magpapatugtog ng paboritong musika
na tumutugma sa nararamdaman ko ngayon.

magiging maayos kaya ang bukas?





//sebajisoka

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers