Author's Note

Thursday, August 01, 2013

Ola! Ayan, nagfifeeling na naman ako. pagbigyan nyo na 'ko. wag nang umangal at magbasa nalang. k? I've been reading stories on wattpad and I love how the writers interact with the readers through author's notes. 

So ayun, sorry kung ngayon lang ulit ako nakapag-update ng blog ko. well, as if naman may nagtitiis na basahin 'to. see?! pati sarili ko inuuto ko. lakas ng tama ko no?! well, deal with it Jabes! XD

So eto na ang update! (talagang pinanindigan ko na pooo. ^_^)

**Now Playing: Her Father's Song**

umalis ako dito sa bahay ng kaibigan ko ng masama loob. tahimik lang ako buong araw. gusto kong magkwento at mangulit pero parang may pimipigil saken. ewan ko kung napansin nila pero siguro. pansin naman  ata nila eh.

basta sobrang cold ko. Alam ko, naka-earphones lang ako kanina pa tapos nagbabasabasa ng istorya. wala tuloy akong mapagkwentuhan ng nangyare kahapon.

paglabas ko, napansin kong kinakaen na ng dilim ang kalangitan. tiningnan ko orasan ko. 5pm pa lang naman. pero mukang bubuhos ang malakas na ulan. WALA AKONG PAYONG! Syete! so affected ako?! di naman ako nagdadala talaga ng payong, gusto ko ngang maligo sa ulan.

pero iba 'yung DESIRE ko ngayon sa ulan..

**PLUSHBACK/PUSHBACK**

umuulan na naman.. napasulat tuloy ako sa sought-after notebook ko.

Bakit nga ba ang eksena sa ulanan eh kakaiba, may drama, may lungkot, may kilig, may saya. kumbaga, may dagdag emosyon pag doon ang settings. pero ganun ba talaga yun? sa isang natural na pagbaksak ng ulan, maraming bagay ang nangyayare, mga bagay na worth remembering?! 

sa ibang ibayo, naiinis sila sa ulan dahil sa perwisyong dulot nito. may natatakot bumaha. o sadyang ayaw lang mabasa.

sa kabilang banda, eh ang mga emo na ninanais umulan para daw di mapansin ang mga patak ng luha sa kanilang mga mata.

meron din namang gusto lang maligo sa ulan. 

pero ako?! masasabi ko, kahit ano pang pinagdadaanan mo, di natin control yang ulan. di natin mapipilit na bumaksak ito. babaksak siya kung kelan nya ginusto, kung kelan sya tawagin ng panahon at pagkakataon. 
sa istorya ng mga tao. dagdag drama. dagdag kasiyahan.

at eto ako, tahimik na pinakikinggan ang musika na hatid ng ulan. wala akong specific na iniisip pero nag-eenjoy ako.

**End of PLUSHBACK/PUSHBACK**

plok! tumingin ako sa kalangitan. ayan na syaaa. lumuluha na ang mga ulap! OOH YEAH BABY! SIge Sabayan nyo ko! NAPAKAHUSAY! BWHAHAHAHA!
nakikita kong nagsisitakbuhan na yung mga tao para makahanap ng masisilungan, 'yung iba naman dali-daling naglalabas ng payong.

ako?! Walang payong?! iEnjoy nalang! tanggap ko naman to eh. kase walang may pakielam saken. puro sarili lang nila iniisip nila. 

yun ang akala ko. 
biglang tumigil yung ulan sa paligid ko. pagangat ko ng ulo ko, may harang. kulay violet na may dots. 

may nagpayong saken?! 

Totoo ba 'to?!

//Author'sNote
//HetoooAkoooBasangBasaSaUlaaan!
//sebajisoka

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers