Sa Hardin

Tuesday, September 30, 2014

"Okay naman tayo diba? 'di naman tayo nag-aaway, magkasundo naman tayo, bakit ganito? biglang nagbago ihip ng hangin?"

Nakatayo lang siya sa harap ko habang hawak hawak ko ang kamay niya, alam kong nahihirapan siya, nihindi nga si'ya makatingin sa'kin sa mata. Pero ang sakit kasi eh. Ang sakit sakit. Biglaan, binigla nya ko. 'di ko inexpect

"..."

narnig ko siya umimik. tinig ng isang babaeng nagpipigil ng luha.Naghintay lang ako ng sasabihin nya. Ngunit Isang katahimikan ang bumalot sa paligid. Nakatulala lang ako, Dinadama 'yung lamig ng panahon papunta sa'king mga mata. Lalo akong naiiyak. Tumingin ako sa langit. Madilim, tanging mga bituin ang nagbibigay liwanag sa gabing ito, walang buwan at di ko makita 'yung Venus.

Nahihirapan akong huminga, tila kahit anong lakas ng hangin at lamig nito, 'di nito masusuportahan ang kinakailangang hangin ng baga ko. Sa pagkakataong ito, tila kahit isang oxygen tank ay walang magagawa.

Patuloy ang pagpatak ng luha naming dalawa dito sa hardin, di ko inaakalang hahantong kami sa ganito. Akala ko hanggang TV at sine lang ang drama tungkol sa relationship.

Habang nagkakagulo ang isip ko sa mga ngyayare, tumingala siya't tumingin sa'kin, di ko alam kung handa na ko, pinunasan ang kanyang mga luha at nagsimulang sabihin ang kanina ko pa nais malaman.

"'di ko alam kung makakaya ko pa.." sabi nya.


>.<


//sebajisoka

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers