Ng mga

Saturday, October 18, 2014

Nagkakagulo ang mga pangyayare sa isip ko. Sobrang sakit kaya, ganito pala 'yung pakiramdam nun no? Pasensya na't first time mangyare sa'kin, hayy. Puno ng drama't wala akong magawa.

Basang basa na 'yung unan ko at ang sama na ng pakiramdam ko. Kanina pa ko pagulong gulong sa kama ko eh. Paulit ulit 'yung sakit. Paulit ulit 'yung mga salitang binitawan nya sa'kin. Ang totoo eh, hindi ko na alam ang gagawin ko. nahihirapan ako pero ayokong gumawa, kahit turuan n'yo akong magmove on. 'di ko gagawin yan. Magiistay nalang akong ganito. 

Ano bang nagawa ko?
Kulang ba? Sobra? 

'di ko maintindihan hanggang ngayon, o siguro ayoko lang talaga tanggapin na ngayon, wala na. tapos na. Ayokong magpakabitter, mas pipiliin ko ng sira na ang buhay ko, ayoko ng tong ayusin pa, bahala na.

Nasayang lang 'yung mga plano namin, mga pangarap namin sa future. Akala ko kami na para sa isa't isa. Akala ko, first and last ang theme namin, akala ko siya na. Pero hindi pala, marami nga namang namamatay sa maling akala. Siguro, isa na ko sa mga maaring mamatay sa maling akala.

Ang hirap huminga. Gusto kong tumakbo't tumakas. Gusto kong maligaw sa kagubatan. gusto kong mapag-isa. gusto kong kumanta't sumigaw. Ang sakit nga talaga masampal ng masakit na katotohanan. 


dahil..

ng mga oras na 'yon, tapos na ang maliligayang araw ko.
ng mga oras na 'yon, naramdaman kong katapusan na ng mundo ko.
ng mga oras na 'yon, alam kong, ayawan na. 

ng mga oras na 'yon sa may hardin, noong hinarap mo ko't sinabi ang mga katagang hindi ko inaasahang manggagaling sa'yo.



Mga salitang tumapos sa'ting dalawa.



//sebajisoka

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers