Wala na si lola.

Monday, January 26, 2015

Wala na ang lola ko. Ang paborito kong lola. Iniwan na niya kami. Ang sakit lang kasi siya 'yung takbuhan ko pagpinapagalitan ako ng magulang ko. Kampi siya sa'kin palagi eh. Mahal na mahal niya 'ko. Kaso wala na. Namaalam na siya. Wala na kong lolang matatakbuhan pagpinapalo ako nila mama o pagwala akong pambili ng kendi.

'yung sandalan ko. Paalam lola. Miss na miss na po kita. Pero alam ko namang masaya ka jan sa langit kapiling ang mga anghel at syempre si Lord.

Ilang taon na ang nakalipas nang mawala ang lola ko. Pero sino nga ba ang may sala? Ang alam kong mga akusado sa pagkamatay ni lola ay ang mga sumusunod:

Cancer
Si Lolo
Sigarilyo
Nagbebenta ng Sigarilyo
Gumagawa ng Sigarilyo
Alak

Lasenggero kasi si Lolo nung nabubuhay pa siya. Tumigil lang siya sa pagyosi at paginom nung nakaratay na siya't may nararamdaman, siya rin mismo ay nagkaroon ng Cancer na pati ang Lola ko ay nagkaron. Siguro masasabi kong sa pagsasama ng  Lolo't Lola ko eh, 'yung usok na nalalanghap ni lola ang nagdulot sa kanya na magkaron nitong cancer.

Ayoko ng manisi ng kung sino sino pero ang sarap lang isip. 'yung thought na..They stick together 'til their last breath, na higit 'yung pag-ibig nila kesa sa bisyo at anumang pisikal ng karamdaman, na kahit alam ni Lolang hindi mabuti ang alak o paninigarilyo sa kalusugan nila,at 'yung katotohanang mahirap pigilan ang bisyo eh, hindi pa rin sila naghiwalay at tiniis ang mga negatibong bagay hanggang sa huli.

Ganun ba talaga ang pag-ibig?

//asdfghjkl
//WalaNaSiLola
//sebajisoka


You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers