Buntong Hininga

Friday, February 20, 2015

Dumaan, dumadaan at dadaan. Past, present and future. Parang topic sa school, parang pagaaral. Nakaranas ka na ba ng pagdaan ng isang pagsubok kung saan wala kang magawa kundi magbuntong hininga?! 

Palakad lakad, pabalikbalik at kumakabog ang dibdib. Di mo alam kung saan magsisimula at kung paano aayusin ang lahat. Na pinangarap mong may time machine para makabalik ka sa nakaraan at iayos ang pagkakamali mo, na nag-aalala ka sa darating na bukas na baka dala-dala mo pa rin ang problemang pinagdadaanan. Nasaktan ka na't umiyak, naisip mo ng walang magagawa ang bawat patak ng luha sa ikakaayos ng lahat. Gusto mong magsimula ulit. 

Lahat naman siguro tayo ay may bagay na pinagsisisihan. Na dati ay itinuturo na'tin sa iba, na ayaw nating aminin kase mapride tayo. Pero alam mo sa sarili mo na nakikipaglokohan ka lang at ikaw talaga ang may sala.

Merong tinatawag na butterfly effect, isang teorya na tungkol sa pagbalik sa nakaraan kung saan ang isang pagbabago sa kahit isang maliit pangyayare sa nakaraan ay maaraming magdulot ng malaking pagbabago sa hinaharap. Isang rason na maaaring dahilan ng paghadlang sa'tin ng tadhana na makapagimbento ng time machine. Pero ang ikinakakaba mo ay baka mawala.. At magbago 'yung magagandang bagay na hawak mo na ngayon.

Blabberiing. Hayy. Let's sigh.

Pero mas maganda siguro kung may plano, sistema para sa plano at aksyon para manatili sa pagbabago. 

Tara?! Kaya naman eh.



//BuntongHininga
//sebajisoka

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers