Supalpal

Thursday, March 26, 2015

Inihagis ang bola papunta sa ring, sumabay ang depensa ng kabilang team, iniangat ang mga kamay at inihampas sa bola, napigilan ang winning shot. At naghiyawan ang depensa.

Ganito sa basketball, hindi man ako marunong pero napapanood ko, nilalaro ko sa PC.

Supalpal, naranasan mo na bang masupalpal?! Akala mo papasok 'yung bola, akala mo sa jump shot mong 'yun kayo ng buong kupunan mo ang magwawagi. Pero hindi pala. Ang winning shot na inakala mo ay bumaliktad at naging kahihiyan ng pagkatalo. Dapat pala ipinasa mo nalang ang bola para magka-assist ka o kaya para di sa'yo ang sisi, pero wala, nangyare na. Tapos na. Nasupalpal ka na.

May iba't ibang klase ng supalpal. Meron sa school, sa office at meron din sa pamilya. 'yung ipinaglaban mong tama, mali pala. Hindi pumasok at naubos ang oras. Sayang ang effort. Sayang ang pagod. Isang pagkakataon na nakakahinayang at nakakahiya. Gusto mong ulitin at gusto mong ibahin ang disisyon. Gusto mong sumabak muli para pagisipang mabuti ang bawat layup at jumpshots, mga decision na kailangan ng biglaan pero ayaw mo na, nahihiya ka ng umulit pa.

Mahirap masupalpal. Pero mas mahirap ang di bumangon mula dito. Isang beses ka lang naman nasupalpal eh, o ilang beses pero ilan ba ang naging puntos mo? Ilan ang kontribusyon mo sa labang ito. Siguradong higit pa 'yun sa supalpal na inabot mo.

Supalpal, sa ingles, block.

Parang kaibigan ko, matalik na kaibigan na kung saan di ko namalayang na matagal na pala niya akong sinupalpal. Sa Facebook.

LA Clippers Forward Blake Griffin blocks Guard, Deron Williams of the Brooklyn Nets. 


//Blocked
//sebajisoka

You Might Also Like

0 comments

Google+ Badge

Followers