Ang sarap talaga tumambay dito, kitang kita mo 'yung kalawakan, 'yung buwan at ang mga bituin, may bonus pa sa napakagandang view, walang ingay ng mga sasakyan at sabay-sabay na ingay ng mga tao ang maririnig. Puro hangin at paghinga mo lang talaga. Puwera nalang kung may makakasama ka.
Ang daming pumapasok sa isip ko pag nandito ako, sobrang nakakarelax kasi. Parang isang 'break' sa busy nating buhay. Ang dami kong tanong sa mundo. Gusto ko ngang pumunta sa future, baka sakaling may alam na silang sagot sa mga tanong ko ngayon.
Palusot pa ko, eh ang gusto ko lang naman gawin sa future eh, alamin 'yung buhay ko. Kung anong trabaho ko, san ako nakatira at sino ang naging asawa ko. HAHA! Oo, 'yun ang gusto kong gawin.
Anu ba yan, kung ano-ano, naiisip ko. Alas-otso na pala. Sakto, sabi kasi sa balita may meteor shower daw ngayon. Maabangan nga't makapagwish ng madami.
Star, my star. Why are you so beautiful?
If I'll spend more time waiting for you
it wouldn't bother me, 'cause I know
I know that you're worth the wait
It may 'cause some pain, but waiting is a virtue and pain is gain
Just watching you satisfy me, you captured this eyes
and it won't look away, you have me now,
'cayse you are my star, a star made specially for me.
 |
| Photo Credit: Hacinth. |
//BituinGarden
//sebajisoka
Nagkakagulo ang mga pangyayare sa isip ko. Sobrang sakit kaya, ganito pala 'yung pakiramdam nun no? Pasensya na't first time mangyare sa'kin, hayy. Puno ng drama't wala akong magawa.
Basang basa na 'yung unan ko at ang sama na ng pakiramdam ko. Kanina pa ko pagulong gulong sa kama ko eh. Paulit ulit 'yung sakit. Paulit ulit 'yung mga salitang binitawan nya sa'kin. Ang totoo eh, hindi ko na alam ang gagawin ko. nahihirapan ako pero ayokong gumawa, kahit turuan n'yo akong magmove on. 'di ko gagawin yan. Magiistay nalang akong ganito.
Ano bang nagawa ko?
Kulang ba? Sobra?
'di ko maintindihan hanggang ngayon, o siguro ayoko lang talaga tanggapin na ngayon, wala na. tapos na. Ayokong magpakabitter, mas pipiliin ko ng sira na ang buhay ko, ayoko ng tong ayusin pa, bahala na.
Nasayang lang 'yung mga plano namin, mga pangarap namin sa future. Akala ko kami na para sa isa't isa. Akala ko, first and last ang theme namin, akala ko siya na. Pero hindi pala, marami nga namang namamatay sa maling akala. Siguro, isa na ko sa mga maaring mamatay sa maling akala.
Ang hirap huminga. Gusto kong tumakbo't tumakas. Gusto kong maligaw sa kagubatan. gusto kong mapag-isa. gusto kong kumanta't sumigaw. Ang sakit nga talaga masampal ng masakit na katotohanan.
dahil..
ng mga oras na 'yon, tapos na ang maliligayang araw ko.
ng mga oras na 'yon, naramdaman kong katapusan na ng mundo ko.
ng mga oras na 'yon, alam kong, ayawan na.
ng mga oras na 'yon sa may hardin, noong hinarap mo ko't sinabi ang mga katagang hindi ko inaasahang manggagaling sa'yo.
Mga salitang tumapos sa'ting dalawa.
//sebajisoka
"Okay naman tayo diba? 'di naman tayo nag-aaway, magkasundo naman tayo, bakit ganito? biglang nagbago ihip ng hangin?"
Nakatayo lang siya sa harap ko habang hawak hawak ko ang kamay niya, alam kong nahihirapan siya, nihindi nga si'ya makatingin sa'kin sa mata. Pero ang sakit kasi eh. Ang sakit sakit. Biglaan, binigla nya ko. 'di ko inexpect
"..."
narnig ko siya umimik. tinig ng isang babaeng nagpipigil ng luha.Naghintay lang ako ng sasabihin nya. Ngunit Isang katahimikan ang bumalot sa paligid. Nakatulala lang ako, Dinadama 'yung lamig ng panahon papunta sa'king mga mata. Lalo akong naiiyak. Tumingin ako sa langit. Madilim, tanging mga bituin ang nagbibigay liwanag sa gabing ito, walang buwan at di ko makita 'yung Venus.
Nahihirapan akong huminga, tila kahit anong lakas ng hangin at lamig nito, 'di nito masusuportahan ang kinakailangang hangin ng baga ko. Sa pagkakataong ito, tila kahit isang oxygen tank ay walang magagawa.
Patuloy ang pagpatak ng luha naming dalawa dito sa hardin, di ko inaakalang hahantong kami sa ganito. Akala ko hanggang TV at sine lang ang drama tungkol sa relationship.
Habang nagkakagulo ang isip ko sa mga ngyayare, tumingala siya't tumingin sa'kin, di ko alam kung handa na ko, pinunasan ang kanyang mga luha at nagsimulang sabihin ang kanina ko pa nais malaman.
"'di ko alam kung makakaya ko pa.." sabi nya.
>.<
//sebajisoka