Inihagis
ang bola papunta sa ring, sumabay ang depensa ng kabilang team, iniangat ang
mga kamay at inihampas sa bola, napigilan ang winning shot. At naghiyawan ang
depensa.
Ganito sa
basketball, hindi man ako marunong pero napapanood ko, nilalaro ko sa PC.
Supalpal,
naranasan mo na bang masupalpal?! Akala mo papasok 'yung bola, akala mo sa jump
shot mong 'yun kayo ng buong kupunan mo ang magwawagi. Pero hindi pala. Ang
winning shot na inakala mo ay bumaliktad at naging kahihiyan ng pagkatalo.
Dapat pala ipinasa mo nalang ang bola para magka-assist ka o kaya para di sa'yo
ang sisi, pero wala, nangyare na. Tapos na. Nasupalpal ka na.
May iba't
ibang klase ng supalpal. Meron sa school, sa office at meron din sa pamilya.
'yung ipinaglaban mong tama, mali pala. Hindi pumasok at naubos ang oras.
Sayang ang effort. Sayang ang pagod. Isang pagkakataon na nakakahinayang at
nakakahiya. Gusto mong ulitin at gusto mong ibahin ang disisyon. Gusto mong
sumabak muli para pagisipang mabuti ang bawat layup at jumpshots, mga decision
na kailangan ng biglaan pero ayaw mo na, nahihiya ka ng umulit pa.
Mahirap
masupalpal. Pero mas mahirap ang di bumangon mula dito. Isang beses ka lang
naman nasupalpal eh, o ilang beses pero ilan ba ang naging puntos mo? Ilan ang
kontribusyon mo sa labang ito. Siguradong higit pa 'yun sa supalpal na inabot
mo.
Supalpal,
sa ingles, block.
Parang
kaibigan ko, matalik na kaibigan na kung saan di ko namalayang na matagal na
pala niya akong sinupalpal. Sa Facebook.
//Blocked
//sebajisoka




