medyo takot lang sa mga di kaaya-aya sa paningin, pero kumikilala sa mga nakakausap, si nanay ang takbuhan na hindi makaugaga sa pag-alalay sa'yo, at higit sa lahat ang heartbreak ay ang pagkakauntog mo lang sa pader, pagkahulog sa kama, pag-agaw ng kendi at isang iyakan mo lang dito, wala na, fully healed ka na.
mga laruan ang bestfriends mo. in lab ka pa sa paborito mong robot. sobrang nahihiya ka sa crush mo sa twing inaasar ka ng mga magulang mo t'wing dumadating s'ya.
![]() |
| iiyak na yan |
mahilig ka lang mangalikot at gumawa ng mga bagay na hindi mo rin alam. inosente! yan ang term para sa mga bata. walang kamuang-muang. wala daw alam.
bakit kase kailangan pang tumanda at magbago lahat.. bakit pa kase kailangang bumaksak at mauntog ng malakas, mahulog sa kamang mataas, agawan ng pinakamamahal at ang isang iyakan ay hindi sapat upang maghilom ang bawat sugat na natamo sanhi ng pasakit ng buhay.
masakit sa ulo, masakit sa puso, nandito pa rin ang kirot na nararamdaman mula sa bangungot ng nakaraan. kailan ko kaya mararanasang muli ang tumayo at lumabas ng kwarto ng may angking lakas at pusong matibay para sa iba't-ibang pagsubok ng buhay na palaging naka-amba sa pintuan ng kwarto ko. nakakasawa na ring umiyak, parang wala namang nakikinig. ako nalang ang nabibingi sa hagulgol ng boses kong di mawari ang nais ipahiwatig.
nais ko na lamang ipikit ang mga matang ito at manahimik, iisa-isahin ang paglalaro ng talambuhay ko.. mga sikretong dulot ng luhang ibinigay ng mundong mapanakit.
![]() |
| tatahan na yan |
Live
Love
Forgive
Never Give Up
iBloG
i Believe, Love and Obey God
~sebajisoka


No comments:
Post a Comment