Sino pa ang maymalasakit at pag-ibig sa bansa?
Sino pa? Eddie Ako
Kailan mag-uumpisa magkaisang kumilos na,
Kailan pa? Eddie Ngayon
Sino pa nga bang gagawa? Sinong pag-sisimulan
Sinong magtataguyod ng bayan ni Juan?
Eddie Ako.
-Eddie Ako by Gloc 9 (the most beautiful campaign jingle in the history!)
Nakakamiss mag-chant! Siguro kung alam mo to, nung binasa mo to may tono.
Isa pa nga! “anim na taon na walang kurapsyon and bagong pilipinas ay babangon”
Baka nga bitin ka pa e, dadagdagan mo pa ng APPOINT PV.
6 years? After 6 years? What would happen? MARAMI! 23 y.o na ako, siguro naimbento na ung iPhone na may CR, eroplanong papel na may makina baka may bago ng alphabet. After 6 years, ito pa rin kaya ang bahay ko? Ito pa rin kaya ang mga kaibigan ko? Ito pa rin kaya ang blog ko?
Maraming pwedeng mangyare, pero ano nga ba ang mga iyon?
…
…
…
Di ko rin alam, di ko namang pwedeng pangunahan ang tadhana wala din naman akong time machine. Just go with the flow, sabi nila, oo nga naman, padala ka nalang sa agos ng buhay pero kung tingin mo ay dadalhin ka nito sa isang waterfall na masama ang maaabutan mo sa dulo e siguro dapat ”Just go against the flow”. Kung alam mong mali aba’y ibang usapan na yon.
Live
Love
Forgive
Never Give Up
iBLoG
I Believe Love and Obey GOD
♥sebajisoka.052.237.029♥

No comments:
Post a Comment