Pages

Saturday, October 16, 2010

Isang araw…

Di ka ba nakakatulog ng mahimbing
Ako heto magdamag nanamang gising

Iniisip kita, nalalaman mo ba
Sinta, sinta, sinta

Buti ka pa nakakakain nang hindi bitin
Ako heto walang gana kahit manlang tikim

Iniisip kita, nalalaman mo ba
Sinta, sinta, sinta

Iniisip kita, nalalaman mo ba
Sinta, sinta, sinta

- In Lab – Paraluman -



Ako’y napaaga ng uwi dito sa bahay, sa loob ng mahigit tatlong oras at kalahati di ako sana’y at para bang may kulang
Nag-aalala at nag-iisip ng mga bagay na hindi ko lubos maipaliwanag.

Sa dinami dami ng inpormasyon na aking narinig
Ako’y nasaktan ng lubusan at hindi ako mapakali, Nanginginig at nalulungkot nahihibang at tulala sabi ng kamikazee sa kantang Director’s Cut, yan ang aking nadarama sa mga oras na nilalapat ko ang aking mga daliri sa keyboard.

Lubhang malalim ang iniisip at lubhang nasasaktan sa mga pangyayaring di ko maintindihan.
Nanghihina at walang ganang kumain, sa kadahilanang ikaw ang nasa isipan, paano nga ba maiibsan ang tubig sa aking mga mata na naghahayag ng aking kalungkutan sa anyong panlabas.

Ambigat ng damdamin, sasabog na ang dibdib, bakit ganito ang nangyayari, maaaring tawanan ako ng nakakabasa nito, o malungkot tulad ko.



*Update*

Ngayon pitong oras na akong nasa bahay, di pa natutulog dahil alam kong di rin naman ako makakatulog, naghihintay na lang ako sa pagbaksak ng aking mga mata sa pagpatak ng alas 3 ng umaga.
Sobrang bigat sa pakiramdam na nagmumula sa playlist ko
Mga kantang nakakalungkot at nakakapagpabigat ng damdamin sumabay pa ang nakakabinging katahimikan na pumapalibot sa buong bahay at lamig ng simoy ng hangin.

Sana’y mayroong magtanung sakin kung okay lang ako
At handang makinig sa istorya ko.. Ü


Live
Love
Forgive
Never Give Up



iBLoG
I Believe Love and Obey GOD
sebajisoka.052.237.029

"sinta.. sinta.."

1 comment:

Anonymous said...

kala ko b mentor mo ko??? bt d k nag ssbi???